"Sulat ng Isang Anak" Ella Marie L. Mandane (Spoken word poetry winner, Buwan ng Wika) Grade 12 Ikaw yung liwanag ng buhay ko, Buhay na hindi mo ipinagkait para sa tulad kong paslit. Paslit na iyong dinala ng siyam na buwan, paslit na hindi mo pinabayaan. Paslit na sabi mo, biyaya ng Maykapal na tatawagin mong anak. Hindi alintana ang sakit, kirot at paghihirap Masilayan lamang ang paslit na hinahangad. Sa kabila ng matinis na pag-iyak, siya namang kagalakan ng isang babaeng